SUMUKO na sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang pulis na miyembro ng Manila Police District (MPD) makaraan ireklamo
ng panghahalay sa isang babaeng nawalan ng malay sa inuman at dinala sa isang hotel sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa NBI, ginawa ang pagsuko ni alyas Joel matapos maglabas ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 52 ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 266-A, Paragraph 1(b) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng R.A. No. 8353 (Rape).
Napag-alaman na nakipag-
ugnayan ang abogado na si Atty. Leo Lalu bago sila nagtungo sa NBI-NCR office sa Ermita, Maynila, sa planong doon magpakostudiya.
Sinabi ni Atty. Lalu hindi
nangangahulugang inaamin ng kanyang kliyente ang akusasyon dahil sa boluntaryo itong sumuko.
Ang reklamo ay nag-ugat sa isinampa ng isang alyas “Anna” dahil sa ginawa ng pulis simula nang siya ay mawalan ng malay sa isang bar sa Quezon City, kung saan sila uminom para pag-usapan kung paano tutulungan na makakasundo ang nakaalitang mister.
Kasama umano nila ang isang pang pulis, isang opisyal ng Barangay at isang babae.
Sa alegasyon ng biktima, nawalan siya ng malay sa hinalang may inilagay sa kanyang inumin at nagising na lang na nasa loob na siya ng motel na sinasabing naganap ang panghahalay.
Matapos ang pangyayari ang suspek ay hindi na umano nagpakita at idineklarang AWOL sa MPD.
“We welcome the voluntary surrender of the Subject as a step in upholding the rule of law and the authority of our justice system. The NBI will continue to handle this matter with the highest level of professionalism, ensuring that the investigation is thorough, impartial, and guided strictly by due process,” ani NBI Director Angelito Magno.

