NAGBABALA ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko tungkol sa pekeng Facebook at Gcash account ni PRC Secretary General Elizabeth Zavalla na nadiskubre noong Hulyo 31, 2021.
Ito ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng PRC legal team para sa karampatang legal na aksiyon na maaaring ipataw laban sa scammers na nais dungisan ang reputasyon ni Zavalla at ng buong organisasyon.
“It has come to my attention that there are fake Facebook accounts and GCash accounts bearing my name and photograph. These were created to mislead the public with the end in view of unduly profiting from feigned transactions. I am reminding everyone to transact only through Red Cross’ official channels. Legal action will be pursued against those involved in these fraudulent transactions,” pahayag ni PRC Secretary-General Elizabeth Zavalla.
Nakipag-ugnayan na rin ang PRC sa babaeng na-scam matapos siyang mag-post ng screenshots ng pekeng Facebook at GCash accounts ng PRC Secretary-General. .
“Wag po tayo basta basta na magtiwala. Lesson learned po ito sa akin dahil sa sobrang pagmamadali natin, maiiscam pa tayo, mas mabuti na magtanong sa legit, sa Red Cross,” ayon sa babaeng na-scam.
Bilang pangunahing humanitarian organization sa bansa, ang PRC ay patuloy na magiging aktibong katuwang ng gobyerno, nakatuon na magbigay ng mga life-saving services na nagpoprotekta sa buhay at dignidad lalo na ng mga mahihirap na Pilipino sa mga mahihinang sitwasyon.

