Poquiz dinakip sa NAIA kaugnay ng kasong inciting to sedition

INARESTO si retired Philippine Airforce Major General Romeo Poquiz habang nakaabang sa kanyang pagdating ang magkasanib pwersa ng operatiba ng Criminal Investigation Detection Group  (CIDG-NCR) PNP Avsegroup at Quezon City Police District (QCPD) sa Ninoy Aquino International Airport NAIA Terminal 3 sa Paliparan galing sa Bangkok.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio isa sa mga abugado ni Poquiz ay nahaharap umano sa kasong inciting to Sedition dahil sa paglalabas ng mga mali umanong impormasyon kaugnay nang lumalalang korapsyon sa Marcos administration.

Bandang alas 8:09 ng umaga  nang dumating si General Poquiz  sakay ng Cebu Pacific flight 5J 932 na lumapag sa NAIA Terminal  3.

Hawak ng mga operatiba ang warrant of arrest laban kay General Poquiz para isilbi sa pagdating ng Heneral.

Mula sa NAIA dadalhin umano si Poquiz sa Camp Karingal para sa dokumentasyon bago siya dadalhin sa Korte para sa kanyang piyansa.

Si Heneral Poquiz ay sinasabing  nagpahayag lang umano ng mga nararamdaman pagkadismaya ng karamihan ng mga Pilipino laban sa kasalukuyang administrasyon.

Hiniling ni Atty. Topacio kay President Ferdinand Marcos “Bongbong” Jr.na tanggalin ang taong nag advise sa kanya na hulihin at ikulong ang kanyang kliyenteng si Heneral Poquiz.

Sinabi sa media ni Atty. Topacio na umaasa silang makalalaya rin agad ang kaniyang kliyente ngayong araw (Enero 5).

Pinasalamatan ng abogado si PBBM sa pagtupad umano nito sa pangakong may makukulong pero imbes na magnanakaw ang ipakukulong ang mga nagpoprotesta umano ang puntirya. 

Dagdag pa ni Topacio ang Heneral ay nagpahayag lamang umano ng kanyang saloobin at pagkadismaya ng mga Pilipino kaugnay ng lumalalang Korapsyon sa Marcos administration.

Aniya dapat ipakulong ni Marcos ay ang tutuong magnanakaw at hindi ang mga nagpoprotesta laban sa mga sangkot sa korapsyon sa gobyerno.

Pinosasan ng arestuhin si retired general Romeo Poquiz nnag dumating ito sa NAIA kahapon ng umaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.