PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ang paggunita sa “Day of National Mourning” o araw ng pambansang pagluluksa para sa mga nasawi at naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.
Kasabay nito ay pinangunahan rin ng Pangulo ang pamamahagi ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families, at sa iba pang pamilyang nasalanta ng bagyo sa bayan ng Talisay at Laurel.
Sa bisa ng Proclamation No. 728, idineklara ni Pangulong Marcos ang Nobyembre 4 bilang Day of National Mourning bilang pakikiisa at pakikiramay sa mga naulila ng mga biktima ng Bagyong Kristine.
Hinihikayat ng Pangulo ang sambayanan na mag-alay ng panalangin para sa mga nasawi sa trahedya.

