Online vaccination system sa Maynila, nag-shut down

ITINIGIL ang lahat ng vaccination operations sa lungsod ng Maynila kung saan pinayagan na ring simulan ang pagbabakuna sa mga health centers ngayong unang araw ng Setyembre .para sa mga walk-in at hindi residente sa Maynila.

Sa ibinahaging pahayag ng Manila Public Information Office (MPIO), iitinigil ng Manila Health Department (MHD) ang lahat ng operasyon ng pagbabakuna dahil sa problemang teknikal na iniulat sa online vaccination system ng lokal na pamahalaang lungsod.”

The Manila Health Department (MHD) has shut down all vaccination operations after technical problems were reported in the city government’s online vaccination system.”

Ang lahat ng vaccination sites para sa first dose at second dose ay idineklarang sarado simula alas 4 ng hapon ngayong Miyerkules.

All vaccination sites (for both first dose and second dose) were declared closed beginning 4:00 pm on Wednesday, September 1, 2021.” ayon pa sa abiso ng MHD.

Sinabi ni MHD chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, kanila nang tinitingnan kung bakit bumagsak ang vaccination system ng Manila LGU.

Ang vaccination sa Maynila ay dapat sanang gagawin sa loob ng 12 oras mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi, base sa anunsyo ni Manila Mayor Francisco Domagoso

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.