NBI itinangging minaltrato ang aide ni Zaldy Co na si John Paul Estrada

PINABULAANAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga alegasyon ni dating Cong. Mike Defensor tungkol sa aide ni resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na si John Paul Estrada.

Ayon umano kay Defensor, ilegal na idinetine ng NBI si Estrada at binigyan ng pekeng pasaporte, at inilipad pa-Chile kasama ang asawa nito upang pigilang tumestigo. 

Sagot naman ng NBI, walang complaint, report o medical record na dumanas ng physical abuses si Estrada at kaniyang misis, at wala ring record ng kanilang kustodiya sa ilalim ng Bureau.

Nag- ugat ang reaksyon ng NBI nitong Lunes, Nobyembre 17, sa panayam sa programang ‘The Spokes’ ng Bilyonaryo News Channel kung saan sinabi umano ni Defensor na may kinalaman ang ilang tauhan ng NBI at ilang operatiba ng gobyerno sa paghawak diumano sa mag-asawang Estrada.

“This statement is issued to clarify and correct the misleading allegations made by former Congressman Mike Defensor regarding the supposed beating, unlawful detention, and alleged covert flight of Mr. Estrada, resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co’s aide, and his wife to Chile,” sa inisyung pahayag ng NBI.

Wala ring batayan at  walang suporta ng ebidensya, at puro haka-haka lamang. Walang reklamo, ulat, o medikal na rekord na nagpapakita na si Estrada o ang kanyang asawa ay dumanas ng pisikal na pinsala at wala ring record ang NBI na napunta sa kanila ang kustodiya ng mag-asawa.

Ayon sa NBI, nakipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration, at hinihinaty ang tugon hinggil sa paglabas ng bansa ng dalawa.

“We categorically condemn any false, malicious, or unverified statements intended to undermine the credibility and integrity of our institution. We reaffirm our commitment to transparency, due process, and the rule of law. The Bureau remains fully open to any formal investigation and welcome any legitimate inquiry to establish the truth, ayon pa sa NBI.

Bukas ang NBI sa anumang pormal na imbestigasyon at tinatanggap ang anumang lehitimong pagsisiyasat upang matukoy ang katotohanan, dagdag pa nito.

Nanawagan din ang NBI kay Defensor na magpakita ng “verifiable evidence” hindi sabi-sabi o tsismis.

Nangako naman umano si Defensor na magsusumite ng mahalagang ebidensya na inaasahan ng NBI.

Sakaling mananatiling walang batayan o kapani-paniwalang ebidensya, maari umanong humantong sa pag-uusig laban kay Defensor dahil sa malisyosong layunin nitong sirain ang kredibilidad at integridad ng kawanihan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.