Modernization program ng NBI inaantabayanan

MODERNONG kagamitan ang nakatakdang bilhin ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa pag-iimbestiga at iba pang serbisyo para sa publiko, ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Angelito Magno.

Inihayag ito ni Magno sa pagdiriwang nitong Huwebes, Nobyembre 13, ng ika 89 anibersaryo ng NBI.

 “Ayaw sana natin ang ating mga ahente sa ngayon ang ginagamit pa rin ay ‘yun pong tools ng kahapon,” aniya.

Tututukan na rin ng NBI ang digitization ng kanilang sistema sa mga proseso ng mga records, at galaw ng mga dokumento.

“Mababantayan natin at makikita natin kung tama ba at angkop ang mga pag-iimbestiga ng ating mga ahente,’ dagdag niya.

Aniya, patuloy din ang pag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects at nakapagrekomenda na sila ng ilang kaso na inaasahang madaragdagan pa sa susunod na mga araw.

Samantala ang NBI na halos 9 na dekada na ay nagdiwang sa theme na “, “NBI @89: Huwaran ng Kahusayan, Tapat na Lingkod-Bayan,” na dinaluhan ng bagong talagang DOJ Officer-in-Charge Usec. Fredderick A. Vida, na nagbigay ng congratulatory anniversary message bilang Guest of Honor.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.