NAG -INSPEKSYION sa mga paaralan sa Muntinlupa City si Mayor Ruffy Biazon kasama ang Muntinlupa City Engineering Department para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro sakaling tumama ang sinasabing “The Big One.”
Isinagawa ang inspeksyon ng Lunes (Oktubre 13), kasabay ng nationwide class suspension ng Department of Education bilang bahagi ng earthquake preparedness efforts.
Kabilang sa mga binisitang paaralan ang mga nasa West Valley Fault line at 100-meter buffer zone tulad ng Muntinlupa Business High School, Buli Elementary School, at Pedro E. Diaz High School, kung saan may mga naunang mitigation measures na ipinatupad.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Pamahalaang Lungsod sa Schools Division Office- Muntinlupa City, Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management, at iba pang ahensya upang palakasin pa ang kahandaan ng lungsod sa mga kalamidad.

