Nakasungkit ng parangal si Las Piñas City Mayor April Aguilar mula sa prestihisyosong Gawad Galing: Global Award of Exellence in Healthcare, na kumilala sa kanya bilang Top Public Servant sa Allied Health category.
Ang parangal na ito ay isang papuri sa mga mahuhusay na indibiduwal na nagpamalas ng kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa sektor ng kalusugan sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Nabatid na ang award ay tumutuon sa parehong healthcare professionals at visionary leaders na nagtataguyod ng pagpapabuti sa mga serbisyong pangkalusugan kung saan nakilala si Aguilar sa kanyang pagbabagong mga inisyatiba para sa mas madaling pagkuha, mabisa, mataas na kalidad ng alagang kalusugan sa buong lungsod.
Sa administrasyon ng alkalde nagtakda ng bagong pamantayan para sa mga prayoridad na healthcare programs ng lokal na pamahalaan na testamento ng inobasyon, dedikasyon, at may pusong pamamahala upang hatiran ng kalusugan ang mga Las Piñero.
Ang parangal na ito ay nagmarka sa karangalan ng alkalde bilang tagapanguna ng serbisyo publiko at kampeon para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.
Samantala,Pinarangalan rin ang tanggapan ng Turismo at Kultura ng Las Piñas sa pamumuno ni Mr. Paul Ahljay M. San Miguel, matapos tanghalin bilang Kampeon sa Best Tourism Video Promotions category ng ATOP Pearl Awards 2025, para sa “Ating Tahanan”.
Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay patunay sa masigasig na pagtutok, dedikasyon, at patuloy na pagtataguyod ng tanggapan sa promosyon ng makulay na kasaysayan, kultura, at tradisyon ng minamahal na lungsod.
Pinasalamatan ang lahat ng katuwang sa tagumpay mula sa Association of Tourism Officers of the Philippines, Inc., Department of Tourism, tagasuporta, at bawat mamamayang patuloy na nagbibigay buhay sa ating pamanang kultural.

