NAKATAKDANG dumating ang mahigit sa 2.8 milyong doses pa ng mga bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Sa impormasyong ibinahagi ng Manila International Airport Authority (MIAA), nakatakdang dumating bukas, Enero 7 ang 150,540 ng mga doses ng bakunang MODERNA sa NAIA Terminal 1 sa ika-11 ng umaga lulan ng Chinese Airlines flight CI-701.
Government-procured o binili ng pamahalaan ang nasabing mga bakuna.
Samantala, sa darating na Lunes, Enero 10, ay nakatakdang dumating ang nasa 2,703,870 na doses ng bakuna ng Pfizer sa NAIA Terminal 3 ganap na ika-apat ng hapon lulan ng isang Emirates Airline Flight EK-332.
Ang mga bakunang nabanggit ay dagdag donasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.

