PINALAYA ang nasa kabuuang 1,699 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Bureau of Corrections (BuCor) simula nitong buwan ng Hulyo 31 hanggang Oktubre 1, ng taong kasalukuyan.
Nasa 185 PDLs ang kabilang na dumalo sa culminating ceremony noong Miyerkules sa New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City, Iwahig Prison at Penal Farm sa Puerto Princesa at Leyte Regional Farm.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., 202 ang may Acquittal, 2 ang may Cash bond, 41 ang Probation, 35 ang Habeas corpus , 10 ang Parolado, habang nasa 1,289 naman ang expired ang maximum na sentensya.
Dagdag pa ni Catapang na ang kaganapan ay hindi lamang isang selebrasyon ng bagong tuklas na kalayaan kundi isang pagkilala din sa sama-samang pagsisikap na ginawa ng Bucor at ng iba’t ibang stakeholder para masiguro ang isang patas at makatarungang proseso ng pagwawasto na nagbibigay daan sa isang mas rehabilitative na mga hakbangin.
Bilang guest of honor at speaker, pinayuhan ni Sandiganbayan Associate Justice Gener M. Gito ang mga PDLs:
“Ako po ay naniniwala na lahat ng nagkasala sa batas at nakulong ay may pag-asang bumangon sa kanilang pagkakamali. Hindi likas sa tao ang maging masama ang likas sa tao ay ang pagiging mabuti.”
“Sa mga lalaya huwag ninyong hayaan na ang naging sintensya sa inyo ang kanyang magiging kahulugan ng inyong pagkatao, huwag ninyong hayaan na ang dating pagkakasala ninyo ang maging kahulugan ng inyong natitirang buhay sa mundong ibababaw. Walang taong hindi nagkakamali, walang taong hindi nagkakasala. subalit maari tayong bumalik sa ating hindi magandang nakaraan,” aniya pa.
Ang kabuuang 1,699 ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) – 97, CIW- Mindanao – 6, Davao Prison and Penal Farm – 194, Iwahig Prison and Penal Farm – 215, Leyte Regional Prison – 130, New Bilibid Prison -Maximum – 270, NBP-Medium, – NBP-270, NBP-8Minimum – 270. NBP-Reception and Diagnostic Center (RDC) – 27, Sablayan Prison and Penal Farm – 180 at San Ramon Prison and Penal Farm – 153.
Sa naganap na okasyon, dumalo sina Justice Assistant Secretary Michelle Lapuz, Sergio Calizo Jr., Chairperson ng Board of Pardons and Parole, Atty. Ronald Macorol ng Public Attorney’s Office, at Almarin Tillah, Al Haj, presidente ng Muslim Association of the Philippines (MAP).

