Mag-amang Duterte nanguna sa presidential at vice presidential survey – OCTA

ANG mag-amang Duterte ang sinasabing nangunguna sa pagka pangulo at pangalawang pangulo sa isinagawang survey ng OCTA Research nitong nakalipas na buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ang Tugon ng Masa National Survey ay isinagawa mula July 12 hanggang 18 kung saan lumitaw na 28 percent ng adult Filipino respondents ang nagsabing suportado nila si Davao City Mayor Sara Duterte sa posibleng presidential bid nito sa 2022 elections.

Kasunod ni Mayor Sara sa survey sina dating senador Bongbong Marcos (13%), Manila Mayor Isko Moreno (11%), at sina Senators Grace Poe (10%) at Manny Pacquiao (10%).

Pasok din sa presidential poll sina Vice President Leni Robredo, Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, at Senator Christopher “Bong” Go na pawang nakakuha ng tig-5%; Senate President Vicente Sotto III – 3%; Senator Panfilo Lacson – 2%; dating vice president Jejomar Binay – 2%; at sina Senator Richard Gordon at dating Senador Antonio Trillanes na kapwa nakakuha ng 1%.

Base din sa survey, 18% ang nagsabing susuportahan nila ang posibleng vice presidential bid ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Moreno naman ang nasa ikalawang pwesto sa vice presidential polls na nakakuha ng 11%, ikatlo si Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano – 10%, sunod si Poe – 10%, at Marcos – 9%.

Si Sen. Sotto ay mayroong 7%, Pacquiao – 6%, Escudero – 5%, at sina Go at Lacson na kapwa may 4%.

Ang non-commissioned survey ay mayroong 1,200 respondents.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.