NOT guilty plea.
Ito ang ipinasok ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12 para kay dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. kaugnay sa kasong pagpatay noong 2019.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, ayaw mag-plea ang kanyang kliyente sa arraignment sa nasabing korte, na dinaluhan nito sa pamamagitan ng videoconference.
Samantala, sinabi ni Topacio na ang pre-trial hearing ay itinakda sa Hulyo 29.
Hindi rin nagpasok ng plea para sa pinagsama-samang kaso ng illegal possession of firearms at illegal possession of explosives, gayundin ang kanyang multiple murder case sa di-umano’y pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Hindi rin ito nagpasok ng plea para sa kanyang terrorism financing case sa QC RTC Branch 77.
Si Teves at 12 iba pa ay itinalaga rin bilang mga terorista ng Anti-Terrorism Council na binanggit ang ilang mga di-umano’y pagpatay at panggigipit sa Negros Oriental.

