Husay at talento ipinamalas ng 42 OFWs sa nilahukang pagsasanay ng Tesda sa Malaysia

NASA 42 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pumasa sa 2nd TESDA Overseas Assessment Program na ginanap sa OWWA Training Center sa Kuala Lumpur , Malaysia.

Layunin nito para mabigyan ng pagkakataon ang mga OFWs na ma-certify ang kanilang kasanayan at mas mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Ipinamalas ng mga OFWs ang kanilang husay sa iba’t ibang larangan sa Dressmaking Basic Barista, Bread and Pastry Production.

Ang lahat ng 42 kalahok ay matagumpay na pumasa sa assessment patunay lamang anya ito ng kanilang Sipag, Tiyaga, at Dedikasyon.

Nagpasasalamat naman ang ahensiya sa mga TESDA-accredited assessors mula sa Pilipinas na tumulong upang maisagawa ang maayos at makabuluhang pagsusuri.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas nabibigyan ng pagkilala ang galing ng mga OFWs at mas nabubuksan ang mga oportunidad para sa mas maayos na trabaho, mas mataas na kita, at posibleng pagnenegosyo sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.