Dagdag-bawas sa presyo sa krudo

NAKATAKDANG magbawas sa singil sa krudo bukas, araw ng Martes, Nobyermbre 5, 2024 subalit dagdag naman ang presyo sa diesel at kerosene.

Sa magkahiwalay na abiso ng mga kumpanyang Seaoil at Shell Pilipinas, kanilang kakaltasan ang kanilang singil sa gasolina ng P0.10 sentimo sa kada litro.

Ang diesel naman ay magtaas ng P0.75 sentimo kada litro at kerosene naman ng P0.50 sentimo.

Habang ang kumpanyang Cleanfuel ay magpapatupad din ng dagdag-bawas bukod sa kerosene.

Ang mga kumpanya ng langis ay kadalasang nag-aanunsyo ng kanilang price adjustments sa kada araw ng Lunes at ipinapatupad kinabukasan araw ng Martes sa kada linggo.

Ang giyera sa middle east at Russia ang pangunahing dahilan sa paggalaw sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.