Chinese naharang sa NAIA dahil sa kinakaharap na arrest warrant

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Terminal 1 ang isang pasaherong kararating pa lamang sa bansa mula Shanghai China.

Sa impormasyon nasa Alert List Order ng Immigration ang naturang pasahero matapos madiskubre na may nakabinbin itong warrant of arrest.

Ang nasabing warrant ay inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Imus City, Cavite dahil sa kasong kinakaharap nitong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Republic Act 7610.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng NAIA Police Station 1 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposition.

Nagtakda naman ang korte ng PhP180,000.00  na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.