BuCor officer na tulak ng shabu timbog sa loob ng Bilibid

ARESTADO ang isang Correction Officer 1 sa buy-bust operation na ikinasa ng Muntinlupa City Police sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation, sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, Linggo ng hapon.

Base sa ulat mula kay Muntinlupa City Police Station chief, P/Colonel Robert Domingo, ang suspek na si alyas “Paulo”, 27 anyos, ng Sta. Rosa City, Laguna , ay isang High Value Individual (HVI).

Sa report, nang magsagawa ng operasyon nakipag-ugnayan ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Inter-Agency Collaborative Group (IACG) at Directorate for Intelligence and Investigation sa BuCor.

Hindi umano pumayag at tumanggi ang suspek na rikisahin ang kanilang motorsiklo, nang hingan siya ng registration documents ng dalang baril subalit wala siyang nagawa kungdi buksan ito.

Nakumpiska ang 19.4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱131,920.00, isang Yamaha NMAX motorcycle, at isang Glock 17 9mm pistol na may bala.

Ang suspek ay nakakulong na at isasailalim sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“This operation exposes that no one is above the law. We will not tolerate any individual, regardless of rank or position, who chooses to betray public trust by engaging in the illegal drug trade,” ani Southern Police District P/Brig. General Randy Arceo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.