Arestado ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang babae na sangkot sa illegal investment scheme sa ikinasang entrapment operation sa Cubao, Quezon City.
Inireklamo ang babae sa naturang eskima na target ang mga pensiyonado.
Batay kay NBI Director Jaime Santiago, nakilala lamang sa alyas na “Inga”.
Hinuli ito habang nagsisimula pa lang kumain sa isang kilalang restaurant matapos nitong abutin ang mark money.
Ang suspek ay isa lamang sa grupo na ang modus ay magrecruit ng mga mamumuhunan upang tustusan ang mga pautang para sa mga retiradong sundalo.
Kinokolektahan sila ng processing fees, misappropriation sa proceeds at maliit na lamang ang nakukuha ng mga investors at mga borrowers.
Sinabi ng complainant siya mismong nag-abot ng entrapment money na nagkahalaga ng P1-milyon, ang kani-kanilang lump sum pension na P900,000.00 ay ipnoproseso ng suspek, sa ilalim ng Mejia Documents Facilitation Service, at natitira na lamang sa kanila ang P120,000.00.
Ayon sa NBI, sa sertipikasyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) Company Registration and Monitoring Department, ang kumpanya ay hindi rehistrado bilang korporasyon o partnership at hindi rin naisyuhan ng secondary license bilang lending company, broker o dealer ng Securities o dealer ng gobyerno.
Mga iIang indibiwal pa ang nadiskubre ng NBI na nabiktima ng nasabing investment scheme.

