Indigent Seniors ng Las Piñas City nabiyayaan ng kanilang social pension pay-out

Nasa kabuuang 2,100 indigent seniors ang nakatanggap ng social pension payout sa Las Pin̈as City.

Pinangunahan ni Las Pin̈as City Mayor April Aguilar ang unang araw ng social pension pay-out para sa mga indigent senior citizens ng lungsod na isinagawa sa Aguilar Sports Complex sa Barangay Pilar.

Ang inisyatibang ito ay naglalayong bigyan ng pinansiyal na suporta ang mga nakatatandang Las Pin̈ero na saklaw ang mga benepisyaryo mula sa Barangays Pamplona Dos, Ilaya, Elias Aldana, Manuyo Uno at Manuyo Dos.

Kumportableng tumanggap ng kanilang pension sa loob ng air-conditioned na sports complex sa lugar habang naghihintay na sila ay matawag.

Nakatanggap ng P6,000 ang bawat benepisyo kung saan sumasakop ito sa pension ng ikalawa at ikatlong quarters magmula Abril hanggang Setyembre 2025.

Inorganisa ang payout ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa suporta ng Treasury Department, Senior Citizens Officers, OSCA staff, at Kalipi volunteers.Dumalo rin sa kaganapan si Konsehal Alelee Aguilar kasama ang ilang opisyal ng barangay upang tumulong sa pagsiguro ng maayos na pamamahagi ng ayuda sa mga seniors.

Binigyang-diin ni Mayor April ang patuloy na pangako ng Pamahalaang Lungsod sa kanyang senior citizens na ang mga programang katulad nito ay bahagi ng misyon ng kanyang administrasyon na magbigay ng aruga, dignidad, at pinansiyal na tulong sa mga nakatatanda.

Ayon pa sa lokal na pamahalaaan ang pagsasagawa ng social pension payout ay magpapatuloy hanggang Biyernes na sumasakop naman sa iba pang barangay sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.