Imprastraktura sa paliparan sa Western Visayas paghuhusayin

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagpapahusay ng imprastraktura sa mga pangunahing paliparan sa Western Visayas.

Ang pahayag ng CAAP kasunod ng isinagawang inspection at pagbisita ng mga opisyal ng DOTr at CAAP sa Antique at Bacolod Airport.

Nais ng DOTr na gawing makabago ang ang mga paliparan sa rehiyon, upang mapalakas ang turismo, at palakasin ang koneksyon sa buong bansa.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon patuloy na kinukumpleto ang mga proyekto na naglalayong makabago sa mga pasilidad ng aviation at pagpapahusay ng pangkalahatang karanasan sa mga pasahero.

Tinitiyak ng DOTR-CAAP na ang bawat proyekto ay idinisenyo upang mapahusay ang maayos na paglalakbay, pagbutihin ang pag-access, at sa huli ay maihatid ang mga pasahero sa pamamagitan ng mahusay na serbisyo sa transportasyon.

Samantala naglabas ng panibagong Notice to Airmen  (NOTAM) ang CAAP para sa limitasyon ng 21,000 feet sa paglipad malapit sa ibabaw ng Bulusan Volcano

Ang latest na NOTAM ng CAAP ay nagkakabisa simula Abril 28, 2025 ng 8:29 ng umaga kahapon hanggang Abril 29, 2025 ng 4:36 ng madaling araw bukas.

Pinapayuhan ang mga Airlines operator na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan dahil sa mga posibleng panganib mula sa biglaang pagsabog ng Bulusan volcano.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.