Bagong IRR sa GCTA nakatakdang ipatupad ng BuCor sa mga PDL

PINAGHAHANDAAN ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapatupad sa binagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA ) ng Persons Deprived of Liberty (PDL).

Nagsagawa ng seminar workshop ang BuCor bilang paghahanda sa pagpapatupad ng revised implementing rules and regulations ng GCTA para sa persons deprived of liberty (PDLs).

Sa welcome remarks ni Justice Undersecretary Margarita Gutierrez, sumasalamin ang pagdaraos ng seminar sa hindi natitinag na pangako ng DOJ na maghatid ng “compassionate” at “restorative” justice para sa PDLs.

“This is the moment when the DOJ, in close collaboration with the Bureau of Corrections, is not only refining laws but also bringing life into them. The revised GCTA IRR is a beacon of hope that offers a structured opportunity for the PDLs to reclaim their dignity, renew their purpose, and rebuild their lives,” ani Gutierrez.

Paliwanag ni Gutierrez, ang GCTA ay higit pa sa isang patakaran o isang procedural framework. Ito ay isang pagkakataon para sa pagbabago, isang pagkakataon para sa paglago, at isang pagkakataon para sa muling pagsasama sa buong pagkilala sa dignidad ng tao na hindi kailanman dapat mawala kahit na ang mga nakaraang aksyon.

“You may have the power to change the time for someone who may have believed that their future was already written,” aniya pa.

Hinimok naman ni BuCor Director General Gregorio Catapang ang mga nagseminar na gawin ang kinakailangan para maipaunawa at matulungan ang PDLs hinggil sa kanilang GCTA.

Kasunod ng kamakailang desisyon ng Supreme Court (SC), lahat ng PDL, anuman ang kanilang mga krimen, ay may karapatan na mapakinabangan ang mga benepisyo ng GCTA pagkatapos mahatulan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.