Batas na layong parusahan ang mga pabayang ama, inihain sa Kamara

INIHAIN sa Kamara ang isang panukalang batas na naglalayong parusahan ang sinomang ama na mapapatunayang nagpapabaya sa kanilang anak.

Pinangunahan ni ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo at kanyang mga kaalyado sa partido ang paghahain ng House Bill 8987 o ang “An Act Punishing the Willful Failure to Pay Paternal Child Support.”

Kasama ni Tulfo na bumalangkas ng panukala ay ang may-bahay ni Senator Raffy Tulfo na si ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, Rep. Edvic Yap, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.

Ang gusto natin dito ay protektahan ang kinabukasan ng mga bata. Dapat panagutan ng mga magulang lalo na ng mga tatay ang kapakanan ng kanilang mga anak,” pahayag ni Tulfo.

Kung maging ganap na batas, maaaring patawan ang napatunayang ama na nagpabaya sa anak ng parusang mula anim hanggang 12 taon na pagkakakulong at multa na mula P100,000 hanggang P300,000.

Dapat managot ang mga tatay na magiging pabaya at hindi magbibigay ng suporta sa kanilang mga anak. Ang kanilang anak ay kanilang tungkulin kaya dapat na masiguro na maayos ang pagpapalaki sa mga bata para sa kanilang kinabukasan,” dagdag ni Tulfo.

Kabilang sa mga iminumungkahi sa panukala ay ang 10 porsyento ng buwanang sweldo ng ama, o hindi bababa sa P6,000 sahod na P200 kada araw ang dapat ibigay sa anak.

At least ten percent ng salary nung tatay, pero kung magsasampa ng kaso sa korte ang nanay ng bata, depende sa korte kung ano discretion nila based sa kakayahan ng Tatay at depende rin sa dami ng dami ng anak,” giit pa ng mambabatas.

Paliwanag pa ni Tulfo na ang pagpaparusa sa isang pabayang ama ay una nang kasama sa batas sa ilalim ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violation Against Women and Children (Anti-VAWC), partikular ang economic abuse, kasama rito ay ang pagtanggi sa suporta sa bata.

However, the comprehensive implementation and enforcement of paternal child support, including all other acts to establish the said legal obligation, is still a legislative priority,” saad ni Tulfo.

It is in this regard that this proposed measure seeks to establish the amount of paternal child support and streamline the process in establishing paternity which is prerequisite for a child support order,” pagtatapos pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.