Unemployment rate nuong Hulyo 2021, bumaba – PSA

BUMABA ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nuong Hulyo na naitala sa 3.07 million o katumbas ng 6.9-percent.

Ayon sa July 2021 Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, mas mababa ang unemployment rate nuong Hulyo kumpara sa 7.7-percent o 3.73 milyong walang trabaho nuong Hunyo.

Mas mababa rin ito sa 4.14 milyon buong Abril 2021 na nasa 8.7 percent.

Kabilang naman sa mga lugar na mataas ang unemployment rate ay ang MIMAROPA, Region 5, Region 7, Region 8, Region 9, Region 11, CARAGA at BARMM.

Galing sa mga sector ng serbisyo, industriya at agrikultura ang karamihan sa mga pinagtatrabahuan ng mga manggagawa.

Nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with some restrictions” ang Metro Manila mula nuong Hulyo 1 hanggang 15 na sinundan ng GCQ “with heightened restrictions” mula nuong Hulyo 23 hanggang 31 at GCQ “subject to heightened and additional restrictions mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5.

Nauna na ring sinabi ng PSA na posibleng tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Agosto dahil na rin sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa halos kabuuan ng buwan.

Sa ilalim ng ECQ, tanging mga essential business lang ang pinapayagan na mag-operate at ipinagbawal din ang dine-in at al fresco services sa mga restaurant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.