“RIGHT now it’s official, we are in a surge po dito sa National Capital Region, hindi ho puwedeng balewalain ito..hindi rin puwedeng hindi pansinin itong pagtaas.”
Ayon ito kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group sa press briefing ng Laging Handa kaugnay pa rin sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa Metro Manila kada araw.
Sinabi ni Prof. Rye na 1.6 lamang ang reproduction number sa nakalipas na buwan at ngayon ay umabot na sa 1.33 o nasa 1,000 kada araw ang kaso.
Aniya kapag lumagpas na sa 2,000 ang kaso kada araw ay mararamdaman na ito ng mga ospital.
‘So kami sa OCTA , tulad ng sinasabi ni Pangulong Duterte hangga’t maaga maingat at maging maagap po tayo kasi nga ang pinoprorektahan natin hindi lang kabuhahan kundi buhay din,” pahayag pa ni Rye.
Sakali aniyang Delta variant ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso, hinalimbawa ni Rye ang nangyari sa ibang bansa kung saan dinurog aniya ang health care system, maraming namatay at maraming nahawa.
Kaya aniya ang istratehiya na suhestyon at rekomendasyon ng OCTA ngayong nakikita ang elemento ng pag-usbong ng surge o pagsirit ng kaso na kapareho sa nangyari noong Marso na muntikan nang ma-overwhelmed.
Suhestyon na istratehiya ng OCTA ngayong nakikita ang elemento ng pag-usbong ng “surge” o pag-sirit ng kaso katulad noong Marso, dapat nang i-adopt ang ginawa ngayon ng Australia at New Zealand kung saan mayroong anticipatory, preventive at circuit breaking lockdowns.
‘Tingin namin kung gagawin ‘to over the next two weeks, lalo na this week or next week, tignan natin kung mapababa yung kaso …hindi lang natin mapapababa yung mahahawa at mamamatay…mase-save din natin yung economy kasi napakaikli po ng lockdown na gagawin natin.”
Bukod dito, sinabi rin ni Rye na mase-save din ang fourth quarter para sa lahat ng malalaki at maliliit na negosyo.
Aniya, ginawa na rin ito last year kaya sa fourth quarter ay naka-rebound o nakabawi aniya tayo ng kaunti.
Paalala ni Rye may banta ngayon ng Delta variant at kapag pinabayaan na kumalat ito ay mawawala ang mabisang pagkontrol sa epidemya kaya kailangan hangga’t maaga at maging maagap.

