ARESTADO ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG) at PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) ang ‘7th Most Wanted Person’ ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Cotabato Airport.
Isang pulis ang nakapansin sa suspek habang palabas ng paliparan lulan ng kanyang sasakyan.
Pinahinto at sinita ng mga elemento ng HPG ang suspek hiningi ang lisensya at mga dokumento ng sasakyan at dito nakilala ng mga otoridad ang suspek kung saan agad nakipag-ugnayan sa CIDG upang beripikahin ang kanyang record.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong double murder na walang piyansa na inilabas ng Regional Trial Court (RTC), Branch 15, 12th Judicial Region noong taong 2023 ng Oktubre 11, agad siyang hinuli ng CIDG, HPG at AVSEGROUP.
Ang sasakyan ng suspek inimpound din dahil sa mga paglabag nito ng hindi pagsusuot ng seatbelt at expired na driver’s license.
Nasa kustodiya na ng CIDG Maguindanao Provincial Field Unit Office ang suspek para sa karagdagang imbestigasyon at legal na proseso bago ang kanyang pagharap sa korte.

