𝗠𝗴𝗮 𝘄𝗮𝘁𝗰𝗵𝗺𝗲𝗻 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗼𝗱𝘆 𝗰𝗮𝗺𝗲𝗿𝗮𝘀

Share this information:

MAGSISIMULA nang gumamit ng mga body camera ang mga tanod sa isang barangay sa Mariveles, Bataan sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Ang paggamit ng mga body camera ay isang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga barangay tanod sa Barangay San Carlos, Mariveles, Bataan. Sisimula na nilang gamitin ang mga ito sa tuwing sila ay may operasyon.

Ayon kay Punong Barangay at Municipal Councilor-elect Ivan Ricafrente, ito ay upang masiguro din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na hindi nagpapabaya at hindi abuso sa tungkulin ang kanilang mga kawani. 

At kung sakaling may reklamo sa kanila, madali itong mapatunayan o mapasinungalingan sa pamamagitan ng hindi nagsisinungaling na ebidensya: galing sa mga actual video na nakunan ng kani-kanilang body camera.

Dagdag pa ni Ricafrente, prayoridad din ng Pamahalaang Barangay ng San Carlos na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga kawani na araw-araw itinataya ang kanilang buhay at kaligtasan para mapangalagaan ang kabutihan at kaligtasan ng lahat.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.