APAT na indibidwal kabilang na ang dating whistleblower sa kontrobersyal na “kuratong baleleng” rubout case ang nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng bakuna sa ilang Chinese nationals sa Pasay City.
Bukod kay Mary Rose “rosebud” Ong, ang kapatid nito na si Peter Ong, ng Kawit, Cavite; Warlito Dabuet Mabanan ng Pasay at Ferdinand Madrid Mabalo, secretary ng Barangay 190, Pasay ay kabilang sa mga hinuli sa operasyon noong Biyernes, July 23, 2021.
Si Rosebud ay naging star witness ng gobyerno sa panahon ng dating Pangulong Joseph Estrada laban sa mga respondent sa Kuratong Baleleng rubout case sa pangunguna ng dating hepe ng Presidential Anti=Organized Crime Task Force (PAOCTF) na ngayoy Senator Panfilo Lacson noong 1995.
Inirekomenda ni NBI Officer-in-Charge Eric Distor sa Department of Justice (DoJ) ang kasong estafa at sa paglabag sa Republic Act (RA) 11032 (Ease of Doing Business Act) at RA 3019 o ang anti-graft and corrupt practices act laban sa mga suspek dahil sa umanoy pagpapakilala nila bilang mga “authorized” persons sa distribusyon at pagbebenta ng AstraZeneca vaccines.
Una ng inireklamo ang grupo ni Ong sa NBI-Special Action Unit (SAU) nitong July 15, 2021 nang isang James Christian Sucgang at Sam Lo, isang Chinese national kung saan nabunyag ang modus sa ilegal na pagbebenta ng naturang bakuna sa Pasay.
Batay sa salaysay ni Sucgang, lumapit sa kanila si Ong at inalok ng halagang P63,000.00 para sa iba pang kasamahang Chinese nationals ni Lo.
Nitong July 22 ay tinawagan umano siya ni Ong at sinabing nakakuha na siya ng slot para sa kanila at itinakda ang vaccination nila kinabukasan July 23, sa Barangay 190, Pasay.
Paul then set up the meeting in multiple vehicles with other Chinese nationals at a predetermined site before they moved as a convoy to the covered court vaccination site in Barangay 190, Pasay.
Ikinasa ang entrapment operation sa araw din ng kanilang pagbabakuna at nang maiabot ang pera sa grupo ni Ong na nagkakahalaga ng P63,000 ay dito na sila dinamba ng mga operatiba ng NBI-SAU.
Dinampot din si Madrid, na siyang barangay secretary, dahil siya umano ang nag-ayos sa slot para mabakunahan ang grupo ni Lo.

