UP law student, nanguna sa 2024 Bar exams; passing, in-adjust ng Korte Suprema

ISANG Law student mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), kasama ang tatlong iba pa mula naturang unibersidad ang kinakitaan ng kakaibang talino at tapang nang manguna ito sa katatapos lamang na 2024 Bar examinations.

Tinaguriang “most valuable lawyers” ang UP student ay nag-top sa Bar exams, kasama ang tatlong iba pa mula sa nasabing pamantasan na kabilang sa Top 10 examinee.

Ang iba pang examinee na nasa Top 10, ayon sa resulta ng 2024 Bar examinations, ay ang Ateneo de Manila University na may dalawang pumasok sa Top 10, Angeles University Foundation School of Law, University of Mindanao, Western Mindanao State University, at San Beda University na may tig-isa.

Ang paglabas ng resulta ng mga nakapasa sa Bar exam ay bahagyang na-delay sa kadahilanang kinailangang pagbotohan na i-adjust ang passing rate mula sa 75 percent sa 74 percent na isang magandang balita para sa lahat na sumabak sa pagsusulit.

Sa anunsyo ni Supreme Court Associate Justice Mario Lopez, ang percentage ng passing rate ay 37.8 percent ng kabuuang 3,962 na bagong mga abogado mula sa 10,490 na examinees.

Ang Top 10 lawyers sa 2024 Bar Exams ay ang sumusunod;

1. Kyle Christian Tutor mula University of the Philippines – 85.77 percet

2. Maria Cristina Aniceto ng Ateneo de Manila- 85.54 percent

3. Gerald Roxas ng Angeles University Foundation School of Law – 84.35 percent

4. John Philippe Chua ng UP- 84.28 percet

5. Jet Ryan Nicolas ng UP- 84.26 percent

6. Maria Lovelyn Joyce Quebrar ng UP- 84.06 percent

7. Kyle Andrew Isaguirre ng Ateneo de Manila University – 83.90 percent

8. Joji Macadine ng University of Mindanao- 83.74 percent

9. Gregorio Jose Torres II ng Western Mindanao State University- 83.59 percent

10. Raya Villacorta ng San Beda University- 83.47 percent

Nagtabla naman sa ika-20 pwesto sina Pierre Angelo Reque at Charles Kenneth Lijauco, na kapwa nagtapos sa University of Santo Tomas at nakakuha ng markang 82.79 percent.

Bagama’t bumuhos ang ulan, hindi naman natinag ang mga bar examiners sa kanilang paghihintay na makita ang resulta ng bar exams ngayong taon.

Naging emosyonal naman ang karamihan dahil ang ilan ay unang sabak pa lamang kumuha ng Bar exam ngunit nakapasa na sa unang pagkakataon bagama’t mahirap umano ang Bar exams ngayong taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.