SA loob ng 48 na oras na pagtutugis ng mga otoridad sa suspek na walang habas na namaril na ikinasawi ng dalawa katao at apat na sugatan sa basketball court ng Condominium complex sa Parañaque City nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi.
Naaresto na ang 59-anyos na si alyas William residente rin sa nasabing condominium sa Barangay Marcelo Green, Paranaque City.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Police Brig. General Randy Arceo, mahigit 48 oras matapos ang krimen ay nahuli ang suspek.
Natunton sa isang condominium sa Brgy. Moonwalk, Paranaque ng alas 8:30 ng gabi ng Marso 6 ang suspek.
Narekober sa kanya ang dalawang .9 mm pistols, maraming magazine at mga bala, sa operasyon ng
Parañaque City Police Station chief, Police Colonel Nicolas Piñon, sa pakikipagtulungan ng Regional Investigation Division ng National Capital Region, Regional Special Operations Group , SPD-District Special Operations Unit, District Intelligence Division at Criminal Investigation and Detection Group South Metro Manila Field Unit.
Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa suspek sa reklamong two counts of murder, four counts of frustrated murder, Republic Act 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Parañaque City Prosecutor’s Office.
Kamakailan ng Marso 4, nasawi ang isang 57-anyos at 29 anyos na naglalaro ng basketball at apat ang sugatan nang walang habas na pagbabarilin ng suspek at tumakas matapos ang krimen.
Ang suspek ay sinasabing convicted sa 2 counts of homicide sa Taguig Regional Trial Court noong 2023 at may nakabinbin din na warrant of arrest.

