Scammer timbog sa NBI

Arestado ang isang lalaking scammer na may kasong statutory rape makaraan ang ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng mall sa Ermita, Maynila.

Ang nahuling suspek ay  nagpapakilalang tauhan ng Land Transportation Office (LTO).

Base sa ulat na nakarating kay NBI Director Jaime Santiago, ang suspek na si alyas “Erick” ay nakulong matapos isailalim sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office noong Hulyon 29, 2025 sa mga reklamong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority and Official Function), Art. 315 (Estafa) at Art. 178 (Illegal Use of Fictitious Name)  ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). 

Ang impormasyon ay nakuha nang may nagsumbong  na biktima ng suspek noong Hulyo 28, 2025 kugnay sa inaalok nitong mabilisan pagpapaayos ng driver’s license at motor vehicle registration kapalit ng mas mataas na halagang babayaran.

Nagberipika ang NBI at nalaman na hindi tauhan o konektado ang suspek sa alinmang LTO offices at nadiskubre pa na may nakabinbing warrant of arrest kaugnay sa kasong statutory rape, isang non-bailable offense sa Cabanatuan City, Nueva Ecija Regional Trial Court, Branch 26 . 

Sinabi pa ng NBi, marami na umano ang nabiktima ng suspek sa kaniyang pang-scam gamit ang pagpapakilalang taga-LTO siya.

Agad nagsagawa ng entrapment operation ang NBI-CRID katuwang ang NBI- Fraud and Financial Crimes Division kay alyas “Erick” nang makipagkita sa SM Mall sa Ermita, Maynila noong Hulyo 28, 2025, nakuhanan rin ito ng patalim. 

Dinagdag pa na kasong concealing of deadly weapon ang inihain laban sa suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.