PINARANGALAN ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng Special Citation sa 2025 Most Business-Friendly Local Government Unit Awards na ginanap na 51st Philippine Business Conference & Expo nitong Lunes.
Mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) patunay sa patuloy na inisyatiba ng lungsod sa pagpapadali ng mga proseso para sa mga negosyante sa pamamagitan ng innovation at digital transformation.
Kabilang sa mga pangunahing hakbangin ng lungsod ang Business e-Payment System (BESt) — isang ganap na automated platform para sa online payment ng buwis at bayarin — at ang Single-Window Transaction (SWiT) na nagpapabilis sa proseso ng aplikasyon ng business registration sa isang mas maginhawa at episyenteng sistema.
Inihayag ni Mayor Ruffy Biazon ang kanyang taos pusong pasasalamat sa PCCI sa pagkilalang , na aniya’y bunga ng sama-samang pagsisikap ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapabuti ang kapaligiran para sa negosyo sa Muntinlupa.
“Ang layunin natin ay hindi lang mapabilis ang proseso ng mga negosyo, kundi makalikha rin ng mas maraming dekalidad at nakabubuhay na trabaho para sa ating mga kababayan,” pahayag ni Biazon.

