Mga makina, sistema na gagamitin sa Mayo 12, sertipikado na ayon sa Comelec


INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga makina at sistemang gagamitin para sa mid-term elections sa Mayo 12 ay pawang sertipikado na.

Kinumpirma ito ni Comelec Chairman George Garcia.

Ayon sa kanya, inilabas na ng Technical Evaluation Committee ang international certification sa pagsusuri nito na matagal nang hinihintay ng komisyon.

Kabilang sa mga sinuri ay ang mga automated counting machine (ACM) at iba pa na bahagi ng iba’t ibang sistema upang masiguro ang maayos na botohan sa Mayo 12.

Sinabi ni Garcia na ilalabas nila ito sa website ng komisyon upang mabasa ng mga stakeholder kasama ng mga technical expert, interesadong partido, at mga grupong politikal.

Sa ngayon, sinabi ng Comelec na walang naging problema o malaking isyu.

Nung bilangin manually ang balota lahat tugma at naging maayos,” ayon sa komisyon.

Nagpasalamat din ang Comelec sa technical evaluation committee sa sertipikasyon na inilabas nito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.