Mahigit 2M pasahero dadagsa sa PITX ngayong panahon ng Undas

DADAGSA ang tinatayang nasa 2.1 milyon pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa panahon ng Undas.

Ayon sa spokesperson at Director for Corporate Affairs and Government Relations ng PITX na si Jason Salvador, sinabi nito na inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa PITX na magsisiuwian sa kani kanilang probinsya.

Dagdag pa nito, karaniwan ay 5 araw bago ang Undas ang pagdagsa ng pasahero at ang pagbabalik naman mula sa mga binisitang lugar at lalawigan.

Aniya, mas konting bilang ang inaasahan dahil hindi naman tumapat sa sobrang long weekend, hindi kagaya ng Pasko na mas pinaghahandaan ng mga kababayan.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Transportation (DOTr) upang hindi humaba ang mga pila sa terminal sa pagkakaroon ng sapat na masasakyan.

Payo ni Salvador sa mga biyahero na huwag nang magbitbit ng sobra-sobrang gamit para sa mas komportableng pagbiyahe.

“Siyempre napakahirap ang daming tao tapos ang dami mong dala. Ikaw rin mismo mahihirapan so for your own convenience, magtravel light ka. Two, magtravel light ka para mabigyan mo naman ‘yung kapwa mo pasahero na makapgdala rin ng mga bagahe,” saad ni Salvador.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.