Las Piñas City nakasungkit ng pagkilala mula sa award giving body Subay BAYANI

MATAGUMPAY ang Lungsod ng Las Piñas na nakuha ng grand award sa 2025 Metro Manila Subay BAYANI Awards kasama ang mga lungsod ng Parañaque at Pasig, na ginanap sa Manila Hotel.

Itinanghal ang Lungsod sa ilalim ng liderato ni Mayor April Aguilar, bilang Grand Awardee sa 2025 Metro Manila SubayBAYANI Awards.

Inorganisa ng Department of the Interior and Local National Capital Region (DILG-NCR), ang SubayBAYANI Awards ay kumikilala sa mga local government units sa pagpapakita ng kanilang napakahusay na halimbawa, inobasyon, at pananagutan sa pamamahala sa lokal na imprastraktura.

Ang pagkilalang ito sa Las Pinas City ay nagpapatunay sa pangako nitong transparent, mabisa, at nakatuon sa komunidad na implementasyon ng mga proyektong imprastraktura na nag-aangat sa pamumuhay ng mga residente nito at isulong ang sustenableng pag-unlad ng lungsod.

Kasama ni Mayor Aguilar sa seremonya sina Acting City Engineer Michael Aguilar, City Planning Officer Engr. Leonida Lagrisola, CENRO Head Engr. Cezar Perillo, LGU LGSF Focal Persons Engr. Bernadette Dela Cruz at Engr. Joseph Acebuche, at DILG Las Piñas Director John Patrick Megia.

Binigyang-diin ng SubayBAYANI Grand Award ang hindi natitinag na husay ng Las Piñas sa pamamahala ng imprastraktura at ang progresibong pamamalakad na sumasalamin sa pangako ni Mayor Aguilar na serbisyo, inobasyon, at pananagutan para sa bawat Las Piñero.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.