FFCCCII, nagsasagawa na din ng pagbabakuna kasabay ng Maynila

KASABAY ng ginagawang mass vaccination ng pamahalaang lungsod ng Maynila, ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ay nagsimula na rin ng kanilang vaccination program para sa kanilang mga miyembro at mga company employees.

Isinagawa ang vaccination sa Hope Christian High School vaccination site sa Maynila.

Ang Manila LGU naman ay naglaan ng  2,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa unang dose ng mga senior citizen at person with comorbidity na isinagawa sa vaccination site na matatagpuan sa University of Santo Tomas gymnasium.

Ayon kay FFCCCII External Committee Chairman Nelson Guevarra, nakakuha ng 500,000 doses ng Sinovac ang kanilang samahan  kung saan ipapamahagi ito sa kanilang mga miyembro sa National Capital Region (NCR) at 10 rehiyon sa bansa.

Private sector po ito. Para ito sa mga members ng FFCCCII at mga company employees nila. Distributed to NCR and 10 regions nationwide, FFCCCII procured the 500,000 doses Sinovac Vaccine through tripartite agreement with IATF, DOH, DFA, DOF and NEDA,” ayon kay Guevarra.

Upang mas maraming mabakunahan ng first dose, magtatagal ang vaccination ng FFCCCII hanggang sa Hulyo 31, 2021.

Napag-alaman na pinangunahan nina FFCCCII Chairman Cecilio Pedro, Vice Chairman Victor Lim at Vice Chairman Michael Tan ang nasabing vaccination program sa pamamagitan ng pamumuno ni Pres. Henry Lim Bon Liong.

Nagpapatuloy pa rin ang bakunahan ng Manila LGU sa University of Santo Tomas gymnasium.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.