Dalagita, nalunod sa Bataan; search and rescue, nagpapatuloy

PINAGHAHANAP pa rin hanggang sa ngayon ang isang trese-anyos na babae na napaulat na nalunod sa San Simon River, Brgy. San Simon, Dinalupihan, Bataan, Lunes ng hapon.

Sa inisyal na ulat mula kay Police Lt. Col. Emelito Dela Cruz, hepe ng Dinalupihan Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Janica Jane Borbor at residente rin ng nabanggit na barangay.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) na nagka-yayaan mag-swimming ang biktima, kapatid at mga kaibigan nito sa San Simon River kahapon at napadpad umano sa malalim na bahagi ng ilog.

Sinubukan umanong sagipin ng mga kasama niya ang biktima pero nabigo umano sila dahil sa malakas na agos ng tubig..

Nagpapatuloy pa ang search and retrieval operations ng Dinalupihan MPS, Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at iba pang civic at volunteer groups sa lugar. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.