Ginang arestado sa pagpapabaya sa obligasyon sa gobyerno

Inaresto ang ginang sa NAIA sa inilabas na warrant of arrest ng Quezon City Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Branch 225  sa kasong paglabag sa R.A. 1161 na inamiyendahan ng R.A. 8282 o ang Social Security Act of 1997.

Batay kay AVSEGROUP Director P/BGen. Jay R. Cumigad, ang ating mga legal na obligasyon ay  hindi dapat balewalain kahit pa lisanin natin ang ating bansa.

Sinabi pa ni Cumigad na mananagot ang sinuman kapag kinalimutan ang obligasyon kahit ilang taon pa siyang manatili sa ibang bansa kaya’t pinayuhan niya ang mga nahaharap sa usapin na harapin ang kanilang kaso sa hukuman bago umalis ng bansa.

Naglaan ng P24,000 na piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng nakakulong na ginang sa NAIA Police Station 1  lungsod ng Pasay.

Napag alamang Hulyo ng 2016 pa inilabas ang arrest warrant laban sa ginang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.