Mahabang oras ng pagbisita sa Bilibid prison at penal farms sa buong bansa aprubado

PAPAYAGAN ng Bureau of Coorrections (BuCor) ang weeklong visitation sa New Bilibid Prison (NBP) at iba pang prison at penal farms .

Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang isang weeklong visitation initiative sa lahat ng operating prison and penal farms (OPPFs) nito kasabay sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week (NCCW).

Noong Lunes ginawa ni Catapang ang anunsyo matapos niyang aprubahan ang rekomendasyon ni Deputy Director General for Operations Asec. Gil T. Torralba na pahintulutan ang mga oras ng pagbisita mula Oktubre 20 hanggang Oktubre 25, 2025 mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Layunin nito na pasiglahin ang pagkakaisa ng pamilya, pahusayin ang ugnayang pampamilya sa person deprived of liberty (PDLs), sabi ni Catapang.

Dagdag pa ni Catapang, na bahagi rin ito ng patuloy na pangako ng Bureau sa makataong paggamot at rehabilitasyon alinsunod sa mga layunin ng pagdiriwang ng NCCW.

Inatasan din niya ang lahat ng kinauukulang tauhan na magpatupad ng angkop na mga hakbang upang masiguro ng ligtas, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng mga aktibidad sa pagbisita sa loob ng kani-kanilang mga nasasakupan, sa ganap na pagsunod sa umiiral na mga protocol sa seguridad at kalusugan.

Mula Miyerkules hanggang Linggo ang regular na araw ng pagbisita sa iba’t ibang OPPF maliban sa mga PDL sa maximum na NBP na naka-iskedyul mula Martes hanggang Linggo dahil sa napakaraming PDL.

Samantala, inilipat ang 500 PDLs nitong Martes mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungo sa San Ramon Prison and Penal Farm, sa Zamboanga City bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bucor na i-decongest ang NBP at bilang paghahanda para sa tuluyang pagsasara nito sa 2028.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.