Naglabas na ng schedule ang buong slate ni incumbent Manila City Mayor Honey Lacuna- Pangan sa ilalim ng Asenso Manileño kaugnay sa oras ng kanilang pagboto sa darating na Lunes, May 12, araw ng eleksyon.
Sa kanilang abiso, boboto si Lacuna sa Legarda Elementary School sa Sampaloc sa pagitan ng alas 9 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga.
“I remind Manila voters to vote early to avoid the daytime high temperatures. To avoid any hassles during voting, each voter should know in advance their precinct number and the precinct location at the voting center para maiwasan po ang kumpulan sa harap ng mapa ng mga presinto,” sabi ni Lacuna .
“Pregnant mothers, PWDs, and my fellow senior citizens can vote early if they want to from 5 a.m. onwards,”dagdag pa ni Lacuna, na kakatapos lamang magdiwang ng ika-60th niyang kaarawan noong May 6.
Habang si re-electionist Vice Mayor Yul Servo Nieto ay sa Marcela Agoncillo Elementary School sa San Fernando Street, San Nicolas boboto.

