Ambush sa opisyal at miyembro ng PNP sa Maguindanao, hindi makakaapekto sa peace process

HINDI umano makaka-apekto sa peace process sa Mindanao ang nangyaring pananambang sa opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Maguindanao, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr. 

Naniniwala si Galvez, na siyang pinuno ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation & Unity (OPAPRU) na “isolated case” ang nangyaring insidente.  

Bagaman aminado si Galvez na wala siya sa posisyon para magbigay ng pahayag kung ano talaga ang nangyari pero para sa kanya, ito ay isang isolated case.

Umaasa rin ang kalihim tulad ng pagtitiyak ng mga commanders na titingnan kung ano ang mga coordination offices.

Nakita natin wala pong ano–very minimal po ito and then hopefully it will resolved immediately,” pahayag ng kalihim sa Kapihan sa Manila Bay.

Maalala na tinambangan ang hepe ng bayan ng Ampatuan sa Maguindanao kasama ang kanyang tauhan habang patungo sa Barangay Kapinpilan upang isilbi ang arrest warrant na inisyu ni Maguindanao Regional Trial Court Branch 15 Judge Anabelle Piang laban kay Kamir Kambal, na  wanted para sa robbery at intimidation of persons, bilang bahagi ng “One-Time, Big Time” na operasyon nito.

Napatay sa ambush ang hepe na si Lt. Reynaldo Samson at kanyang tauhan na si  Cpl. Salipudin Endab.

Sugatan din si M/Sgt. Renante Quinilayo at Cpls. Rogelio dela Cuesta at Marc Clint Dayaday.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.