NADAGDAGAN pa ng isa ang bilang ng nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dulot ng Covid-19.
Base sa bagong datos ng health service ay umabot na sa 85 ang death toll sa PNP.
Samantala, 110 naman ang nadagdag sa mga bagong tinamaan ng virus habang 104 ang mga gumaling.
Sa kabuuan, 30, 745 na ang mga tauhan ng pambansang pulisya ang nakaratay dahil sa Covid-19 kung saan 1, 277 ang aktibong kaso o mga ginagamot sa kasalukuyan.

