NAGPAHAYAG ang Philippine National Police (PNP) na sanayin ang mga forest ranger matapos ang insidente sa Baras, Rizal kung saan binaril ang dalawang forest ranger na nagbabantay sa Masungi Georeserve noong Hulyo 24.
Ipinag-utos na ni PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.
“Hindi ito ang unang insidente ng pananakot, pananakit at pagpatay sa mga forest ranger dahil ilang mga kaparehong kaso din ang naitala ng inyong kapulisan sa Palawan at iba pang lugar sa mga nakalipas na taon,” wika ni PGen. Eleazar.
Dagdag pa niya na inatasan na niya ang PNP Training Service na makipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagsasanay ng self-defense, threat detection at iba pang mga paghahanda sa pansariling proteksyon sa mga forest ranger sa buong bansa.
Humingi na rin ng tulong ang Masungi Georeserve Foundation sa mga pulis lalo pa at hindi ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng harassment ang kanilang mga forest ranger.
Bilang tugon, inatasan ni Eleazar ang lokal na pulisya na tiyakin na protektado ang mga forest ranger sa lugar.
“Mahalaga ang papel na ginagampanan ng rangers para sa pagpapatupad ng environmental laws sa ating protected areas, partikular ang pagbabantay kontra illegal logging at iba pang mga iligal na gawain na nakasisira sa kalikasan,” ayon kay Eleazar.
Binigyang diin pa niya na dapat matutukan din ang mga nakalipas na insidente ng panghaharass sa mga forest ranger

