PINARANGALAN ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Las Piñas ang siyam na empleyado ng city hall para sa kanilang apat na dekadang pagseserbisyo sa publiko.
Personal na iniabot ni Las Pinas City Mayor April Aguilar ang cash incentive, plaque, at token bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at katapatan sa paglilingkod sa mga Las Piñero sina City Assessor Engr. Ramon S. San Pedro, Ms. May S. Cetra, Ms. Annabella A. Manalang, Ms. Ma. Cristina D. Madridejo, Ms. Carolina M. Cartagena, Mr. Jessie Tereso L. Trajano, Ms. Rowena F. Villatito, Engr. Nestor R. Bay, at EMDO-UPAO Head Walsur S. Espinosa.
Ang makabuluhang seremonya ng lokal na pamahalaan ay nagsisilbing panimula ng bagong linggo ng pagseserbisyo na dinaluhan nina Councilor Macky Saito, Councilor Robert Cristobal, SK Federation President Rey Angelo Reyes, P/Col Sandro Jay DC. Tafalla, department heads, at masisipag na kawani ng pamahalaang lungsod.
Lalong naging masigla ang umaga sa napakaganadong pagtatanghal ng Barangay Operations Center Staff, na pinamumunuan ni Mr. Jose Mauricio Riguera, na nagbigay ng good vibes sa lahat ng dumalo.

