DINAKIP ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang limang hinihinalang ‘chinese spy’ na sinasabing nagmamatyag sa mga atikibidad ng mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa mga karagatan ng ating bansa.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na hinuli sa magkakahiwalay na lugar ang mga suspek, dalawa ay nadakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Palawan.
Hinuli ang dalawa na katatapos lamang magsagawa ng aerial spy sa pamamagitan ng paggamit ng drone at nagkabit ng Hightecth Solar CCTV camera sa inupahang resort sa Ulugan Bay sa Puerto Prinsesa sa Palawan na isinumbong mismo ng ilang residente sa lugar sa AFP.
Nadakip naman ang mga kasamahan nito sa Intramuros at Binondo, Maynila habang ang isa ay dinakip sa Dumaguete City.
Kabilang din sa grupo ang mga Chinese ng nahuling si Deng Yuanquing nitong nakalipas na Enero 17, 2025 sa kasong espionage o pag iispiya.
Ayon kay Santiago ang mga inaresto ay sina Cai Shaohuang, ang field commander o lider ng grupo, Cheng Hai Tao, Wu Cheng Ting, Wang Yong Yi at Wu Chin Ren.
Sinabi pa ni Santiago na bukod sa Palawan, nalaman rin na kumuha ng footages ang mga suspek sa Manila Bay at sa Naval base sa Manila Bay.
Maging sa Subic Bay ay kinuhaan din ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Ang paglalagay ng CCTV solar camera ng grupo upang malaman ang mga papaalis na sasakyang pandagat ng gobyerno lalo na sa resupply mission kayat laging nalalaman ang galaw ng mga barko ng ating mga sundalo at Philippine Coast Guard.
Nananawagan naman si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa publiko na maging vigilant at ireport agad ang mga kahinahinalang pagkilos ng mga ilang banyaga.
.

