NASA 259 indibidwal ang dinakip sa loob ng isang araw sa pagpapatupad ng batas ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) simula alas 6:00 ng umaga ng Oktubre 16 hanggang alas 5:59 ng Oktubre 18.
Ayon sa ulat na isinumite kay NCRPO director P/Major General Anthony Aberin, ang sabay-sabay na operasyon laban sa krimen, iligal na droga at pag-aresto sa mga wanted person ay naisagawa ng limang police districts sa loob ng 24 oras, habang napanatili din ang kapayapaan at kaayusan sa mga kilos protesta noong Biyernes.
Naipatupad din ang maximum tolerance ng mga unit ng Civil Disturbance Management (CDM).
Pinuri naman ni Aberin ang kanyang mga tauhan para sa pagpapatupad ng balanseng pagbabantay at pagpapatupad ng batas.
“Every arrest of suspected criminal is a step towards maintaining peace and security in Metro Manila, so long as the arrest is done in accordance with the law and in due observance of human rights. This is the policy direction under the leadership of P/Lt.Gen.Nartatez Jr-to enforce the law with due process,”ani Aberin.

