“White Sand” project sa Manila Bay, pinaiimbestigahan sa Kamara

INIHAIN na sa Mababang Kapulungan ang resolusyon na layong maimbestigahan ng mga kongresista ang kontrobersyal na white sand project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.

Sa House Resolution 1194 ng Makabayan bloc o mga progresibong mambabatas, ipinasisilip ang tinatawag ‘suitability at sustainability’ ng Manila Bay Rehabilitation Program partikular na sa pagbubuhos ng dinurog na dolomite sa baybayin nito.

Nakasaad sa resolusyon ang pag-alma ng mga enrivonmental groups sa proyekto dahil umano sa epekto nito sa kalusugan at kapaligiran gayundin ang hindi tamang paggamit sa pondo.

Maging ang ilang miyembro ng academe ay nagpahayag na maaaring maghain ng ‘writ of kalikasan’ sa Korte Suprema ang mga kritiko upang mapatigil ang proyekto.

Una nang dinipensahan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang proyekto na pinag-aralan naman umano ng mabuti bago isinakatuparan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.