Walang nasirang bakuna sa bagyong Karding; 21 pasilidad, minor damage lang ang tinamo

WALANG nasirang bakuna sa pananalasa ng bagyong Karding, ayon kay Department of Health (DOH) Officer in Charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

Sa kabila nito, mayroon naman aniyang 21 health facilities sa ilalim ng DOH na bahagyang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni  Vergeire, base sa kanilang assessment, minor damage lamang ang natamo ng kanilang mga pasilidad gaya ng tumutulo sa natuklap na mga bubong at pagbaha. 

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gayundin sa mga local government units upang maayos ang mga nasirang pasilidad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.