Traslacion sa 2024, depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa

SINABI ng Simbahan ng Quiapo na naka-depende ang kanilang mga hakbang tungkol sa Traslacion sa susunod na taon sa estado o kalagayan ng COVID-19 pandemic sa bansa. 

Ito ang naging tugon ng pamunuan ng Quiapo church nang tanungin kung magkakaroon muli ng Traslacion sa susunod na taon .

Ayon kay Father Earl Valdez, tagapagsalita ng Quiapo Church, wala pang plano sa ngayon at wala pa silang napapag-usapan para sa Pista ng Poong Nazareno 2024.

Aniya, ang malinaw lamang ay kung wala na ang pandemya, posibleng ibalik ang Traslacion pero depende ito sa magiging resulta ng usapan at desisyon ng lahat ng stakeholders.

Dagdag pa ni Father Valdez, ang malinaw ay isasama nila sa mga pagbabago sa hinaharap ang lahat ng natutunan sa pagdaraos ng Pista ng Poong Nazareno 2023.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.