Breaking News

Share this information:

TATLONG wanted person ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na joint operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas12 ng tanghali nang magsagawa ang pinagsamang puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PSMSgt. Armando Isidro at 4th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PCpt. Ronilo Aquino ng operation sa Gov. Pascual Ave. Brgy Catmon, na nagresulta sa pagkakaresto kay Richard Billones, 49 anyos, ng Blk 15, Lot 8, Dagat-dagatan, Brgy. Longos.

Sinabi ni PCMSgt. Gilbert Bansil, hepe ng WSS, inaresto si Billones sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 30, 2020 ni Hon. Catherine Therese Tagle-Salvador, Presiding Judge RTC Branch 73, Malabon City para sa kasong paglabag sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Dakong ala-una naman ng hapon nang dakpin din ng mga operatiba ng WSS at 4th MFC RMFB-NCRPO si Ardee Remias, 21 anyos, malapit sa kanyang bahay sa Del Monte Ave., Brgy. Potrero sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz, Presiding Judge, RTC Branch 169, Malabon City para sa kasong palabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Sa hiwalay na operasyon, bandang alas-2 ng hapon nang matimbog naman ng mga tauhan ng Sub-Station 5 sa pangunguna ni PLt. Joseph Alcazar si Danilo Moreno, 40 anyos, sa Hasa-hasa St., Brgy Longos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Ofelia Salgado Contreras-Soriano, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court, Branch 55, Malabon City para sa kasong Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons (BP 6).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: