Tanke ng LPG Gas sumabog, 13 mag-anak sugatan

Olongapo City – Sa kabila ng pagragasa ng bagyong Ulysses sa lungsod na ito, isang tangke ng Liquified Petroleum Gas o LPG gas ang sumabog sa isang bahay na nagdulot ng pagkalapnos at pagkasunog ng balat ng 13 miyembro ng pamilya na kinabibilangan ng isang menor de Edad at isang taong gulang na batang babae mula sa kabilang ilog na sakop ng Barangay Sta Rita.

Sa kabila ng pagiging abala ng lahat ng mga tauhan ng Barangay Gordon Hgts. sa pangunguna ni Kap. Echie Ponge dahil sa isinasagawang clearing operation sa mga lugar dito kung saan maraming punong kahoy ang nabuwal at maging ang ilang poste ng ilaw dulot ng pag salanta ng “Bagyong Ulysses.

Mabilis na rumeponde si Kapitan Echie at ang mga tauhan Fire and Rescue Team at BPAT upang maitakbo sa James Gordon Memorial Hospital ang mga biktima.

Bagamat ang nasabing lugar ay sa kabilang ilog na sakop na ng Barangay Sta Rita, ang mga residente naman dito ay kinabibilangan ng mga Taga Barangay Gordon Heights at ang nagsisilbing daanan ng mga residente dito ay ang lugar ng Block 24 na sakop ng Barangay Gordon Heights.

Mga ilang minuto lang din lumipas ay agad namang dumating ang grupo ng rescue team ng Barangay Sta Rita sa pangunguna ni Barangay Captain Yeng Anonat.

IN PHOTO: Kinakausap ni Kapitan Echie Ponge ang isa sa mga biktima sa sumabog na tanke ng LPG. (DANTE SALVANA)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.